Mga Dahilan Kung Bakit Single Ka Pa Rin Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito? Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka ang gwapo-gwapo mo. Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay na lang kayo nagkikita-kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto mo namang maging gwapo at mapansin nila. Aba, napansin ka nga. Ganito ang tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo..."O ikaw kelan ka ikakasal?" "Uy, ikaw na ang susunod ano?" Parang gusto mo na sa susunod na lamay sila naman ang sabihan mo ng "Ikaw, kelan ka susunod?" Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko ito. Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit hindi ka pa kinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip sa paghihintay. Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon. Naisip ko na 'yan eh. Ito ang sampung dahilan bakit wala pa.
1. Kailangan mong mag-concentrate sa career.
Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang magconcentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo bago ka mag-asawa, kasi 'pag nag-asawa ka na, tanggapin na natin, iba na ang mga prioridad mo sa buhay. Lagi ng mauuna ang pamilya. Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat race at umakyat ng umakyat sa corporate ladder, huwag mong panghinayangan na wala ka pang sariling pamilya.
2. Masyadong mataas ang standards mo.
Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit sino hindi ma-achieve yung standards mo. Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan?
Baba mo ng konti, yung makatarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng Jennifer Aniston eh di ka naman si Brad Pitt. Lumagay ka lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon. Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka ng smart, na maganda at mayaman. Kuya, kung ganon ang hanap mo, malamang tatandang binata ka na talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino.Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino or ito the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.
3. Hindi ka lumalabas ng bahay.
O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mga kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag mong pansinin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga. Imaginin mo kung magka-girlfriend ka na Yoga master? or di kaya, chef. O di ba cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.
4. Baka naman sobrang tapang mo.
Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential partner mo. Baka dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang independent mo, at parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may epekto rin 'yan. Baka sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara lang sila.. Magkunwari ka kayang t**** minsan-minsan, tingin mo?
5. Baka naman kasi di ka maayos manamit.
Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan kaya lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of make up can change that. Pero at least pwede ma-enhanceng konti.
6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang para sa iyo.
Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw from the Lord ang mga girlfriends/ boyfriends. O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw 'pag hinarap ang packaging i-reject mo.
7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa iyo.
Malay mo kasi taga-Norte yung para sa iyo eh mahal naman ang toll fee. Baka nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo natatagalan.
8. Baka naglakad yung para sa iyo.
Parating na 'yon kaya lang mahal ang gasolina so naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking is good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na.
9. Baka sadyang torpe ka lang talaga.
Baka naman sobrang tagal mong mag-ipon ng lakas ng loob o di kaya mag-iisip ng magandang tiyempo. Baka talagang ka lang makapag-salita dahil sobrang mahiyain ka.
10. Baka naman talagang for single blessedness ka.
Ipagdasal mo. Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili mong kakaisip bakit you're still single eh hindi naman kasi marriage ang plan ni Lord for you. Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya baka naman ikaw ang naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw ang problema. Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din Yun. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo, para talaga sa iyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehehe :-) ako wala pang pera pampakasal at pampakain sa mahal ko :-) - myvs.biz.nf
ReplyDelete